Nagsagawa ang Business Permits and Licensing Division (BPLD), Information and Communications Technology Division (ICTD), at City Treasurers' Office (CTO) ng isang briefing

TINGNAN: Nagsagawa ang Business Permits and Licensing Division (BPLD), Information and Communications Technology Division (ICTD), at City Treasurers' Office (CTO) ng isang briefing ukol sa online appointment para sa renewal ng mga business permit kahapon, Enero 19, 2022.
Layunin ng online application na ito ang maiwasan ang pagkumpol ng mga business owners at iba pang kliyente sa iisang lokasyon para sa renewal, pati na rin ang mapadali ang pag-schedule para sa nasabing pag-renew ng permit. Sa ngayon ay tinatapos at inaayos pa ng mga nabanggit na opisina ang website na gagamitin para sa online application.
Ang pagproseso ng business permit renewal ay extended hanggang Pebrero 28, 2022 ayon sa SP Resolution No. 34, Series of 2022. Sa resolusyong ito, walang surcharges, penalties, at interes ang pagbabayad kasabay ng ekstensyong ito. (CPIO/KAG/RSC)
Photos by Sweet Glantz Inato

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *